Saturday, October 3, 2015

September

" You were all by yourself, staring at the dark gray sky. I was changed."

First day of school, after class. Nakita mo ako, bigla kang lumapit sa akin at ngumiti. Nagtanong ka sa'kin kung okay lang ba ang approach mo sa amin at sinabi ko naman sayo na okay lang kasi yun naman talaga ang totoo. Nahiya ako sayo bigla, normal naman siguro yun. In a short period of time na nakasama kita, kahit paano nakilala kita.---Open-minded at matalino. Wala namang duda dun. Sweet, mabait, at makulit. Normal na siguro sayo yun. And ofcourse, approachable/namamansin. Natuwa ako kasi hindi lahat ng tao ganun. I admire you for that.

You told me na nakita mo tatay ko at ang bait-bait nya. Hindi ko alam kung saan at kailan mo siya nakita siguro nga nakita mo kasi hatid-sundo ako that time. Tinanong mo ako kung paano ako magkaka-boyfriend, tanong ko rin yan sa sarili ko kasi 'di ko talaga alam. Siguro kapag gusto ko yung tao at nagpaalam na sa magulang/tatay ko na gusto akong ligawan. Haha!

I'll always remember those days na naramdaman ko ang appreciation at concern mo sa'kin kahit papaano, Yung mga questions and simple gestures mo gaya ng: Kumusta? Bakit nag-iisa ka dyan? (sinamahan mo ako) Giniganaw ka? (hininaan mo aircon. akala ko pa nga, may pa-jacket ka pa. haha!) "Sa room ka muna mainit dyan." (pakiramdam ko, 'di ka aalis sa harap ko kapag hindi ako sumunod sayo. kaya sumunod na ako) Yung simpleng pagtawag mo sa pangalan ko para lang mag-hi/hello o ngumiti. Sweet.

It was late in September. Just the two of us. Ang tahimik. You sang a song. You stood and went near the window at sinabi mo sa'king, "umuulan.." I just looked at your back, 'di ko ma-explain ang nararamdaman ko that moment tapos bigla ka pang tumayo sa harap ko at sinabing, "Tara kain tayo.." Ilang beses ka nang nagyayang kumain, 'di ko alam kung joke ba yun o ano. Minsan muntik na talaga kitang samahan kaya lang, mahirap na. Pero seriously, gusto pa talaga kitang makilala kung may chance. At kung wala o hindi man, I'm still very glad na nakilala kita. 


Xiexie Ni!

No comments:

Post a Comment