Spending time with your friends and family is love! It is!
There's so many ways on how you can spend time with them like roadtrips, window shopping, foodtrips at resto and cafe or even at home, watching your favorite tv shows, movie marathons, videoke/karaoke, playing any kind of games (like kiddos hihi!) etc. Basta yung mga bagay na pare-parehong nyong na-eenjoy tapos samahan nyo pa ng kwentuhan. Happiness!
Simple things that can bring you happiness that money can't buy. I'm thankful that I have a family/friends like them.
"The love of family and friends is much more important than wealth and privilege."
Tuesday, October 13, 2015
Thursday, October 8, 2015
Saturday, October 3, 2015
September
" You were all by yourself, staring at the dark gray sky. I was changed."
First day of school, after class. Nakita mo ako, bigla kang lumapit sa akin at ngumiti. Nagtanong ka sa'kin kung okay lang ba ang approach mo sa amin at sinabi ko naman sayo na okay lang kasi yun naman talaga ang totoo. Nahiya ako sayo bigla, normal naman siguro yun. In a short period of time na nakasama kita, kahit paano nakilala kita.---Open-minded at matalino. Wala namang duda dun. Sweet, mabait, at makulit. Normal na siguro sayo yun. And ofcourse, approachable/namamansin. Natuwa ako kasi hindi lahat ng tao ganun. I admire you for that.
You told me na nakita mo tatay ko at ang bait-bait nya. Hindi ko alam kung saan at kailan mo siya nakita siguro nga nakita mo kasi hatid-sundo ako that time. Tinanong mo ako kung paano ako magkaka-boyfriend, tanong ko rin yan sa sarili ko kasi 'di ko talaga alam. Siguro kapag gusto ko yung tao at nagpaalam na sa magulang/tatay ko na gusto akong ligawan. Haha!
I'll always remember those days na naramdaman ko ang appreciation at concern mo sa'kin kahit papaano, Yung mga questions and simple gestures mo gaya ng: Kumusta? Bakit nag-iisa ka dyan? (sinamahan mo ako) Giniganaw ka? (hininaan mo aircon. akala ko pa nga, may pa-jacket ka pa. haha!) "Sa room ka muna mainit dyan." (pakiramdam ko, 'di ka aalis sa harap ko kapag hindi ako sumunod sayo. kaya sumunod na ako) Yung simpleng pagtawag mo sa pangalan ko para lang mag-hi/hello o ngumiti. Sweet.It was late in September. Just the two of us. Ang tahimik. You sang a song. You stood and went near the window at sinabi mo sa'king, "umuulan.." I just looked at your back, 'di ko ma-explain ang nararamdaman ko that moment tapos bigla ka pang tumayo sa harap ko at sinabing, "Tara kain tayo.." Ilang beses ka nang nagyayang kumain, 'di ko alam kung joke ba yun o ano. Minsan muntik na talaga kitang samahan kaya lang, mahirap na. Pero seriously, gusto pa talaga kitang makilala kung may chance. At kung wala o hindi man, I'm still very glad na nakilala kita.
Xiexie Ni!
Thursday, October 1, 2015
Maybe
"I remember to love, you taught me how."
13 years ago na nang makilala kita, 10 years ago nung huli tayong nagkita. Kilala mo pa kaya ako?
That night, that dream. Hinanap ko pa talaga name mo sa fb. Seriously, inalala ko pa talaga. I sent you a request and we became "fb" friends. I realized na nakakamiss din pala, biglang nag-flashback lahat. Nakakatuwa na nakakakilig kasi mga totoy at neneng pa tayo nung sinabi mo sa'king love/crush mo ako ng harapan, yung paghawak mo sa kamay ko, yung halos araw-araw na pagsasabi mo sa'kin ng "I love you" with eye to eye contact pa. Yun nga lang, ayaw ko sayo dahil madalas mo akong asarin kasi may pagka-pilyo ka at makulit. Masarap ding balikan ang mga alaala paminsan-minsan.
Ngayon, hindi ko na alam. Pakiramdam ko bigla kang umiwas. May nagawa ba akong mali? Hindi mo ako kinakausap. Nakaka-frustrate. Yung mga kaibigan ko kinakausap mo pero kapag ako na ang nag-approach sayo, wala talaga. Hindi ko talaga maintindihan. Siguro nga naiilang ka dahil alam mo na gusto kita. kahit lumipas na ang mahabang panahon at matagal na tayong 'di nagkikita. Pero ganoon nga yata talaga. Iintindihin ko na lang, yun na lang ang magagawa ko.
Natutuwa ako sa kung ano ka ngayon kasi 'di ko akalaing magiging ganyan ka, isang responsible, God-fearing, napagmahal na anak, kapatid, at kaibigan. Natutuwa ako para sayo.
Thank you kasi isa ka sa mga unang taong naka-appreciate sa'kin. Masarap sa pakiramdam. Maraming salamat dahil marami akong natutunan. Naniniwala ako na magkikita rin ulit tayo sa tamang panahon. You'll always have a special place in my heart.
Arigatou!
Subscribe to:
Posts (Atom)


