"I remember to love, you taught me how."
13 years ago na nang makilala kita, 10 years ago nung huli tayong nagkita. Kilala mo pa kaya ako?
That night, that dream. Hinanap ko pa talaga name mo sa fb. Seriously, inalala ko pa talaga. I sent you a request and we became "fb" friends. I realized na nakakamiss din pala, biglang nag-flashback lahat. Nakakatuwa na nakakakilig kasi mga totoy at neneng pa tayo nung sinabi mo sa'king love/crush mo ako ng harapan, yung paghawak mo sa kamay ko, yung halos araw-araw na pagsasabi mo sa'kin ng "I love you" with eye to eye contact pa. Yun nga lang, ayaw ko sayo dahil madalas mo akong asarin kasi may pagka-pilyo ka at makulit. Masarap ding balikan ang mga alaala paminsan-minsan.
Ngayon, hindi ko na alam. Pakiramdam ko bigla kang umiwas. May nagawa ba akong mali? Hindi mo ako kinakausap. Nakaka-frustrate. Yung mga kaibigan ko kinakausap mo pero kapag ako na ang nag-approach sayo, wala talaga. Hindi ko talaga maintindihan. Siguro nga naiilang ka dahil alam mo na gusto kita. kahit lumipas na ang mahabang panahon at matagal na tayong 'di nagkikita. Pero ganoon nga yata talaga. Iintindihin ko na lang, yun na lang ang magagawa ko.
Natutuwa ako sa kung ano ka ngayon kasi 'di ko akalaing magiging ganyan ka, isang responsible, God-fearing, napagmahal na anak, kapatid, at kaibigan. Natutuwa ako para sayo.
Thank you kasi isa ka sa mga unang taong naka-appreciate sa'kin. Masarap sa pakiramdam. Maraming salamat dahil marami akong natutunan. Naniniwala ako na magkikita rin ulit tayo sa tamang panahon. You'll always have a special place in my heart.
Arigatou!

No comments:
Post a Comment